Sunday, May 24, 2009

Letter of Goodbye

Letter to ng isang Love Story na kala ko maglalast...hindi lang naging maganda yung ending kaya ganito na yung letter...hehehe hindi din alam kung naging friends na lang ba sila or hindi na talaga...

March 24, 2009 - May 24, 2009


wala lang cguro nga sa 2 months ako yung sobrang nakamali...kaya kung ito na talaga yung dapat tatanggapin ko na...for the last time gusto ko humingi ulet ng tawad sayo sa kung ano mang mga pangit na nangyare sinula nung nakilala mo ko...hindi ko alam siguro nga sobra kita minahal kaya nagkaganon, naging madamot ako na naagaw ka ng iba sakin...naging madamot ako dun sa nararamdaman mo...sa lahat lahat...kaya pasensya na...siguro din weak nga ako...mahina ako sa lahat ng bagay kaya pati buhay mo nagulo ko na...mahina ako na tanggapin kung ano lang talaga yung para sakin...mahina ako at takot magisa...tinatanggap ko na po lahat..masyado lang siguro ako nasilaw dun sa idea na ikaw at ako, na akala ko sau na lahat magsisimula yung pag asa ko yung saya ko...pero hindi pa rin pla..hayyy ayun basta pasensya kan ha...for the last time binibigay ko na po yung kalayaan mo...informal man tong closure natin pero pwede a din wala na yatang chance pa na magkita pa tau ulet...pero hindi kita masisisi yan talaga yung tama...kaya magiging masaya na din ako...

24 Thank you's:

1.Thank you, dahil dumating ka sa buhay ko.
2.Thank you, sa pag tanggap mo sakin.
3.Thank you, dahil ikaw ulet yung nagbigay sakin ng pag asa na mahalin at magkaron ng, direksyon ang buhay ko kahit sandali lang.
4.Thank you, sa pag aalala mo sakin.
5.Thank you, sa lahat ng oras na binigay mo sakin.
6.Thank you, sa pag pasok mo sa bulok kong buhay.
7.Thank you, sa mga tawa at saya sa oras na kasama kita.
8.Thank you, sa pag punta mo sa bahay after work.
9.Thank you, sa pag effort mo na pumunta sa malalayong lugar kung saan nan dun ako.
10.Thank you, sa araw-araw na magkatext tayo.
11.Thank you, sa kulitan natin.
12.Thank you, sa pagpapakain mo sakin pag wala akong makain.
13.Thank you, sa pag intindi mo sa magulong isip ko.
14.Thank you, sa mga lambing mo sakin.
15.Thank you, sa mahabang pasensya mo.
16.Thank you, sa mga sacrifices mo sakin.
17.Thank you, dahil nan dyan ka sa tuwing nalulungkot ako.
18.Thank you, sa pag remind ng mga importanteng bagay sakin.
19.Thank you, sa mga kasungitan mo.
20.Thank you, sa kagustuhan mong makilala yung mga importanteng tao sa buhay ko.
21.Thank you, dahil sa loob ng dalawang buwan naramdaman ko ulet maging masaya.
22.Thank you, dahil ikaw yung binigay ng Diyos sakin para magmulat sakin na nasa mundo pa din ako…pwede pa din akong maging masaya at masaktan.
23.Thank you, dahil ikaw yung nakapulot sakin nung mga panahong basura ang tingin ko sa sarili ko.
24.Thank you, Thank you.

mamimiss kita:

1.Mamimiss ko, yung mga oras na kasama kita.
2.Mamimiss ko, yung yung baywalk moment natin.
3.Mamimiss ko, yung lagi kita katext.
4.Mamimiss ko, yung mga messages mo sa umaga.
5.Mamimiss ko, pag tinatawag mo akong “Pew!” at yung tawag ko sayong "BHI"
6.Mamimiss ko, pag nagkukulitan tayo.
7.Mamimiss ko, pag naiinis ka na at sinasabi mo ng pabiro yung “busngalan taka”.
8.Mamimiss ko, pag parating kana at susunduin kita sa baba.
9.Mamimiss ko, yung mga ngiti mo.
10.Mamimiss ko, yung mga tawa mo.
11.Mamimiss ko, pag pinagmamasdan kita habang natutulog ka.
12.Mamimiss ko, yung pakiramdam na excited akong makita ka.
13.Mamimiss ko, yung pag lalaro natin ng Playing Cards.
14.Mamimiss ko, mga y***p at h***k mo.
15.Mamimiss ko, yung pangaasar mo.
16.Mamimiss ko, mga umagang excited akong magtext para batiin ka ng magandang umaga.
17.Mamimiss ko, yung inuman na kasama ka.
18.Mamimiss ko, mga oras na magsama tayo kahit walang ginagawa basta magkasama.
19.Mamimiss ko, pag kinakantahan mo ako ng mga Ragay na Kanta.
20.Mamimiss ka ng mga kaibigan ko.
21.Mamimiss ko yung presence mo sa buhay ko.
22.Mamimiss ko yung mahalin ka.
23.Mamimiss ko yung idea ng ikaw na makakasama ko sa journey na buhay ko.
24.Mamimiss ko yung ako, pag kasama ka.

Paalam C******n M*******o.

Mahal kita.

No comments:

Post a Comment