Sunday, March 15, 2009

Fading

ngayon na siguro yung time na masasabi ko na my existence is fading hehe habang tumatagal marami na akong namimiss na mga tao na naging part ng buhay ko noong maayos pa ako...ngayong nasa lowest point na ako ng buhay ko unti-unti na din silang nawawala sakin...hayyy

narealize ko na lang din na ganun talaga ang buhay...pag wala ka na sa limelight wala na ding susubaybay sayo...gaya ng mga artista sa entablado..hehe unti-unti ko na lang din tinatanggap kung ano na lang ako ngayon...gaya nga ng sabi ko ginusto ko to at kung part itong pag kalimot nila sakin...tatanggappin ko ng maluwag...unti-unti na ngang nawawala yung apoy ng buhay ko yung mga ala ala na naiwan ko sa kanila...marahil nagsawa na din sila sa pag tulong at pag gabay sa akin..hindi ko naman sila masisisi,alam kong hangad lang nila sakin ay ginhawa at yung tama para sa buhay ko...

hindi ko alam kung bakit ko nasasabi to ngayon pero sa kabila na lang din ng bawat problema na dumadating...ito na sguro yung tinatawag na pangungulila sa magagandang alaala na napagsamahan namin...gustuhin ko mang ibalik at ipagpatuloy pa ang bawat sandali para sa amin lahat..ako lang din yung nahihirapan...marahil na mimiss ko nga lang sila ng sobra kaya ganito ako ngayon...

pero sa bawat araw na nagdaan, minsan maiisip mo na lang na lumilipas na ang kanilang mga araw na hindi kna parte nito..na konti na lang masasabi nang isa kna na lang alaala sa knila...
hindi ka lang handang tanggapin ito dahil alam mong mahal mo sila at alam mong hindi magbabago ang lahat...pero mali ako, may kanya kanya tayong buhay at sa buhay na yun may dadating at may aalis...sa lagay ko ngayon ako na yung nasa part na aalis...malapit na mawala yung mga alaala ko sa knilang isipan at kanilang puso...

ngayon sana punto ako ng pagiisip at pagtatanto ng mga bagay bagay at pag tanggap ng mga pagbabago sa buhay ko ngayon kasabay ng pagkawala ng mga taong naging parte ng buhay mo...

in short miss ko lang kayong lahat..lam nyo na kung sino kayo...nakakalungkot sobra...
sana makita at makasama ko pa kayo...salamat sa pag kakaibigan.

No comments:

Post a Comment