Friday, January 1, 2010

panalangin sa 2010



Panginoon sa unang araw po ng taong 2010 nais ko po itong salubungin ng pagpapasalamat sa nakaraang taon ng 2009...

Nais ko pong malaman niyo na ako may nakaramas ng paghihirap at hinagpis sa nakalipas na taon, tanging pasasalamat pa rin po ang siyang itinutugon ko…

Hindi man naging siyang matagumpay at kaswerte ang 2009 para sa akin nagging lubos pa din ang biyayang kaloob mo.

Nagpapasalamat ako unang-una para sa ligtas at mapayapang buhay at sa mabuting kalusugan.

Sa pagkakaroon ng pamilyang laging nan dyan at handang isakripisyo lahat para sa akin…

Sa pagbibigay ng mga mabubuti at matulunging mga kaibigan na nariyan para tumulong at ibigay ang kung anong meron sila para sa aking ikabubuti…

Sa biyayang tuwa, galak, at saya na ipinagkaloob mo sa buong taong 2009 na nagpagaan ng minsang mundo’y bumigat para sa akin…

Sa mga luha, lungkot, at pagaalala na siyang nagpatibay saking pundasyon sa kabila ng paghihirap at mabigat na pasanin.

Maraming salamat sa araw-araw naming kanin sa aming hapag na siyang nagbigay lakas at mabuting kalusugan.

Sa mga taong dumating at umalis na nagpadagdag sa kulay, liwanag, at dilim ng aking buhay…

Sa init at lamig ng panahon…
Sa galit at saya ng kalikasan na siyang sumubok sa tibay, di lamang sa akin kundi sa lahat ng Pilipino sa nakaraang nagdaang Bagyo’t unos…

Sa ritmo ng mga pagkakataong binigay mo sa akin na nagbukas ng maraming oportunidad ng pagbabagong buhay…

Sa saliw ng pagtanggap at pagiging kontento sa mga bagay-bagay na kaloob mo.

Panginoon salamat po, ikaw ang siyang tunay na nagpapala…

Ngayon sa pag bigay mo ng panibagong taon naway punan mo pa ito ng biyaya’t pagmamahal mo…
Upang maging gabay ko sa paglalakbay at pag babagong buhay…

Alam ko pong nariyan ka lang upang gumabay at magbigay lakas sa amin…

Sisikapin ko pong maging mabuti sa lahat ng bagay sa kabila ng aking pagkukulang sa inyo at mga kasalanan…

Alam ko pong kayo ang siyang bukod na nakakaintindi…

Muli salamat sa maalab mong pagmamahal sa amin.

Amen.

Manigong Bagong Taon.

paalam 2009 Welcome 2010.

2 comments:

  1. amen to that!

    hey happy new yeat to you

    ReplyDelete
  2. thanks Mac..hehehe

    have a good year ahead of you..peace!

    ReplyDelete