Sunday, February 22, 2009

GOD HELP ME!!!

Feb 23, 2009 start na ng totoong pagsubok at hamon sa buhay ko...2:45 pm wala pa ako matinong tulog,hang over pa galing ako sa inuman kagabi...dalawang gabi din akong hindi nakauwi sa dorm...umaasang makakahanap ako ng pera para my pambayad ako sa dorm fee ko at sa lahat ng utang ko..heheh kaya lang wala talaga..i ended up somewhere sa qc sa inuman kahit hindi ko ganun kakilala yung mga kainuman ko pumunta pa din ako kasama ko si Dan...hayyy maybe gusto ko lang tumakas at makalimot sa dami ng problema ko ngayon..emotionally,financially pati sarili ko pinoprolema ko din hinahanap ko rin sya hanggang ngayon...kung ano na ba talaga ako na kung ano na mangyayari sakin,sa buhay ko sa mga susunod na araw...

ito ako ngayon...tumakas na ko sa dorm dala ang isang bag na may isang t-shirt, short, brief, at toothbrash...hindi ko alam kung may papatutunguhan ba tong pag alis ko..kung san ako pupunta at pag katapos hindi ko na alam...

kaninang umaga nagising na alang ako na nakahiga ako sa lupa hindi ko na maalala kung bakit ako dun na nakatulog sa sobra sigurong kalasingan..grabe napaisip tuloy ako wake up call na siguro sakin yun yung nagising ako na literal na nasa lupa na ako...tulad ng pinagdadaanan ko ngayon..subsob na subsob na ko sa problema ni hindi ko an alam kung pano ko na malalagpasan pa...siguro nga sa lupa na ako belong ngayon hindi na tulad dati yung buhay ko,puro hirap na ngayon hindi na puro saya...lumigaya man ako after nun balik nnman sa problema...hayyy hindi na nga ako makatulog ng maayos lagi na ko tulala isang bese na lang ako kumakain sa isang araw para makatipid...hindi ko na alam...gusto ko maiyak...umiyak ng umiyak pero hindi ko magawa...pati luha ko wala na,kaya lahat naiipon sa dibdib ko,masakit mahirap parang hindi ka makahinga kahit anong sapak ang gawin ko sa dibdib ko hindi magawang lumabas ng sakit...hayyyyyy ang sarap din sumigaw para after wala na yung bigat ng nararamdaman ko...waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh.....

ewan!gulong-gulo ako ngayon,hirap na hirap, hindi akalaing eto na ko ngayon,eto na yung buhay ko ngayon...ang gusto ko lang naman lumigaya dun sa bagay na gusto kong gawin..pero parang lahat ng tao hindi ako maintindihan???...specially yung family ko bakit hindi nila ako maintindihan????hayyy eto na nga siguro yung consequences ng bagay na gusto ko...masakit lang isipin na lahat nawawala na sakin na pati magulang ko nahihirapan na din...lalo na pag provide sakin financially...hayyy ang hirap...

...hindi ko na alam,naiiyak na ko.....waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!

God i messed up!!!

Friday, February 13, 2009

Valentine's Special

>>> in the spirit of Valentine's Day repost ko lang tong Love Story na to..heheh base on true to life.,wala lang nakakatuwa lang mabasa at ma ishare sa inyo ulet to sana mag enjoy kayo...though hindi sya happy ending... Happy Vday!


My SwEEtEsT DowN FALL

July 10th, 2007 by pjmoby

..*W 09207144624 july 10 2007 12:21:03 am

" LESS TALK LESS MISTAKE…kaya eto lng, I AM VERY MUCH SORRY!Frendzzz??? "

the last msg h* sent, for me to finally wake up from a perfect dream that i thought.

its been three months seens i’v waited for h*m…kala ko perfect picture na ang lahat…

we started as textmates,getting to know though we already knew each other by then…lots of beautiful things came…we texted for weeks to months…perfect timing nga sya ng dumating sya sa buhay ko…dumating sya nung time na napakarami kong problema…yung tipong isang tapik na lang sa dibdib ko sasabog na ko…kaya nung dumating sya and showed me some affections and appreciations…parang lumakas yung loob ko and still nan jan pa sya na nakakaapreciate saken…from then naging constant textmates na kame…every night nakakalimutan ko yung mga problema ko pag nagkakatext kame…atleast h* became my shoulder to hold on to…hindi ko lam kung ano na nararamdaman ko for h*m that time..i was ignoring h*m then and im not giving him that much attention,i was confuse about how i feel…hindi rin ako sure sa kanya kung totoo ba sya talaga…h* was the one who open first about what he felt for me…and from then on i open my heart to love again..i started to like and love h*m.

then i finally decided to come back home to meet h*m in person…may 10, 2007 first meeting namin,nung una talaga yoko pang sabihin sa kanya na dumating na ko…nagdadalawang isip pa ako kung makikipagkita na talaga ako sa kanya…kaso sinadya na talaga ng pagkakataon…nagkita na nga kame kasama pa namin si marc vincent na classmate nya na frend ko…nung una nahihiya talaga ako sobra,cuz i knew him already lam ko na h* got the looks,ako lng yung hindi nya matandaan nung highschool days namen…ayun naging okei naman i guess..nag lunch kameng tatlo,nahihiya talaga ako that time..kaya tahimik lng tuloy ako nun puro titig lng sa knya ginagawa ko nun…i felt insecurity,feeling ko hindi talaga kame bagay though ewan praning talaga ako…basta from then on na fall na ko sa kanya i think h*s the right one and perfect one for me…above average pa nga prang sobra na para saken pag nagkatuluyan kame…kaya i started to built a life with h*m…after nameng maglunch nagpunta kame sa bahay ng isa naming frend para magpalipas oras…we hang out there …pero nung papunta pa lng kame dun sa bahay ng frend ko nung nasa sasakyan pa lng kame my inabot sya saken bracelet binibgay nya saken nakita kong suot nya yun nung magkasama kame…nagulat nga ako nang inabot nya saken,at sya pa mismo yung nagsout saken nun…sweet!parang napaka perfect na agad…then nung nasa bahay na kame…hindi pa rin ako makapag salita…nahihiya pa rin kasi ako…wala lang kaming ginawa kundi magtitigan ng magtitigan parang sa mga titig na lng kame naguusap…until h* decided na samahan ko daw sya sa bahay nila kukuninlng nya yung gamit nya sa knila taz balik daw kame agad…

finally nasolo ko na din sya nun…habang nasa sasakyan kame i hold h*s hand…hay perfect na tlaga sana na ang lahat…i feel the love…kinakabahan na natutuwa na hindi ko nalaman ang pakiramdam ko nun…kung sana lng pwede huminto ang oras para makasama ko sya ng matagal…then dumating na kame sa kanila h*pick up h*s things and then umalis din kame agad…then sinamahan ko pa syang maggrocery para sa baon nya…i remember h*s fav cookies "oreo"…ayun then we met my mam, pinakilala ko pa nga sya eh…napaka perfect talaga sana…bumalik na kame sa bahay ng frend ko…hiniram ko din yung motor ng sister ko para ihatid sya sa pupuntahan nya that nyt…ayun nag hintay na lng kame dun…habang naghihintay kwentuhan,ayun ang hindi alam ng iba kong frend magka holdinghands kame habang nagkkwentuhan…heheh sweet parang kame na nga that time he…M.U na sana…hayyy wala talagang kapantay yung sayang nararamdaman ko nung mga oras na yun…parang napaka perfect na sana ng lahat…

wonder why bakit sya may mga gamit at san sya pupunta?…pupunta sya sa in house review nya for board exam..so meaning hindi ko talaga sya totally makakasama lage at makikita…kala ko perfect na noh????week ends lng daw kame pwede magkita pag my chance pa…hayyy ayun so sa text na lng kame mabubuhay ulet….

nung unang pasok nya sa review after nameng magkita okei pa…we constantly texted each other…mga sweet msgs…ramdam ko pa sya nung mga panahong yun…at nagkita pa nga kame ulit…hinatid ko sya ulet sa review center nila..and ang maganda dun nag stay pa ako ng matagal sa sa room nya dun,we stayed there for like 4 hours na kame lng dalawa,so parang nabuhayan na naman ako ng loob parang napaka perfect na naman ng mga oras na yun for us…kwentuhan lng kame,lambingan,sinuprice na naman nya ako ng bigyan nya ako ng solo picture nya remembrance daw from h*m..hay sweet talaga,ang saya ko sobra ng mga oras na yun…nagulat pa ko when h* kissed me three times sa lips huh?wow grabe parang magic,,ang sarap sa pakiramdam…parang my something na talaga between us…tapos nun naglakad kame sa seashore…napaka perfect noh?ang saya…pero ayoko pa sana talaga umuwi nun eh…kahit na wala na akong masakyan nun makasama ko lng sya ng matagal ayus lng sakin…pero kailangan na rin eh…bumalik kame sa room tapos nagprepair na ako para umalis..gusto ko pa sana sya i hug ng mahigpit nun kaya lng hindi na ako nakuha ng chance…mix emotion na ang nararamdaman ko nun,ewan ko ba parang feeling ko talaga that time na pauwi na ko na parang yun na yung last na magkaksama kame…parang napaka perfect na yung time na yun para hindi na masundan pa…para tuloy akong naiiyak nun…wala akong ginawa kundi titigan ko lng habang nagaabang ng sasakyan…gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kanya…hayy ang hirap pla ng gnun…may pinaguusapan pa kami nun eh,about nga sa problema ko about sa studies ko,sabi nya magdecide na daw ako,na i should continue my studies na daw..and h* still remember when i tease h*m na dapat makapasa sya ng board para sa future namen…hehehe then h* tease me back na dapat ituloy ko na ng makagrad na ko para sa future namen..oh db ang saya parang napaka perfect naman talaga…hehehe then dumating na yung sasakyan at sumakay na ko…i never looked back malulungkot lang ako eh.

ayun then nag text na lang ako sa kanya ng thank you for the wonderful time na binigay nya sakin…na napasaya nya ako ng sobra…he texted me back na gnun din daw sya…napakasaya din daw nya dahil nakasama nya ako…hayyy hindi ko na talaga ma imagine na nangyayari na sakin lahat ng yun…mas lalo ko tuloy syang nagugustuhan at mas lalo na akong naffall sa kanya…

kala ko nun magtutuloy tuloy na yung ganda ng kwento ng love story ko…yun pala hanggang dun na lng yun…hehehe ang saklap ano???lumipas yung mga araw na masyado na syang nagiging busy sa review nya…nung una nakakapag text pa sya sakin sa umaga bago magsimula yung review nila tapos sa gabi pag katapos at bago sya matulog…pero nung tumagal na khit isang msg man lang nya sa isang buong araw wala na…then i started to feel something,dami na tuloy pumapasok sa isip ko…i send him pitty msgs na parang i pulling myself back off..dahil sa mga nagyayari naiisip ko na ayaw na nya saken…na kaya sya hindi na nakakapag text dahil wala na syang gana sa ken…hayyy ang gulo,but the only explaination their is h*s just busy dahil nga sa review nya na nagpofocus lng sya…

hayyy i totally understand h*m naman eh…ewan ko lng kung bkt ganun…gusto lng lng naman that time na khit isang msg man lng eh maalala nya din ako kahit gano pa sya ka busy…tsaka parang nag bago na din kasi sya nun eh…the way ng mga msgs nya sakin parang walang sweetness,kaya nakakalungkot talaga…parang hinahanap hanap ko yung dating sya na unang nagtext saken yung tipong pasweet tamang concern sa nararamdaman ko…yung ganun pero i think nawala na talaga yun syang yun…dumating na lang kame sa point na hindi na talaga kame nagkaintindihan…h* became vocal to i remember nga yung isang msg nya sakin na ang sabi " lumugar ka para wala tayong problema "…then may isa pa sabi " kaw ang pumasok sa buhay ko kaya face the concequences "…heheh sakit di ba,lalo na hindi mo pa inaasahan na manggagaling sa kanya yun…napaisip tuloy ako nung mga oras na yun..tama nga naman ano,masyado na yata akong natutuwa at hindi ko na alam kung hanggang san lng ako sa kanya…masyado ko syang kinulong ng pagmamahal ko…at nag assumed na merong kame…masyado kong binuo yung mundo ko na ksama sya…wala kasi akong pinagkakaabalahan nung mga panahong yun,talaga sa kanya lang ako naka focus nun sa kung ano na ang mangyayari samin,araw gabi sya lang ang nasa isip ko nun,palibhasa nasa bahay lang ako lage dahil bakasyon nga ako nun…hayyy kaya mas lalo ko siguro syang minahal nun…kaya eto na ko ngayon hindi na alam kung tama pa bang maging ganito na ang lahat…nakakalungkot nung mga oras na yun…ang akala ko talaga na magiging perfect pa ang lahat samin…hanggang sa lumilipas na lng ung mga araw na hindi na kame nagkakatext…na naiintindihan ko kung bakit hindi na nya ako magawang itext,dahil busy na sya at focus na sya sa review nya…yun naman yun eh…mas importante naman talaga yun…pero ewan ko siguro ang pinaka main reason dun is yung ayaw na talaga nya sakin…ayaw na nya yung pagttext ko sa kanya,ayaw na nya yung pagsself pitty ko…yung totally na ako…kasi kung attracted talaga sya sakin nung una palang okei na sana lahat eh…hindi nya masasabing hindi pa sya ready for commitment,na kung pasado yung looks ko sa kanya hindi nya ako babalewalain ng ganun…hayyy sinasabi ko naman sa kanya yun eh,na kung hindi nya talaga ako gusto pwede nyang sabihin sakin…tanggap ko naman yun,pero hindi sabi okei daw ako,kaya yun…hindi ko na talaga alam naguguluhan na ko that tym..halos mapraning na nga ako sa kakaisip kung ano na ba talaga ang nangyayare samin…tinanong ko naman sya kung maghihintay pa ko hindi nya rin alam hindi nya masagot kung ako ba din talaga…ang sabi nya " question mark " pa daw…ang labo talaga hindi ko na alam kung ano pa yung mga susunod na mangyayare…parang nawawalan na ako ng pagasa na magkakaron kame ng happy ending…hanggang sa dinaan ko na lng sa drawing lahat at sa pag sulat..lahat ng emotions ko sa papel ko nilagay…lahat ng lungkot,at longing ko for h*m…hayyy grabe sobrang lungkot talaga nung mga sumunod na mga araw…wala ng ibang laman utak ko kundi sya lang at kung ano yung sanang magandang gawin…waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh….ang lungkot sobra.

hindi ko na maintindihan sarili ko nung mga sumunod pang araw na hindi sya nagpaparamdam…hanggang sa nalaman ko na lng na nasa cebu na pala sya,nan dun na sya para mga stay in na dun for the following days na pag kuha nya exam…hayy ang labo parang na wala na ko sa picture nya,sa pang araw araw na naalala nya…ang dami ko na tuloy tanong,mga tanong na naglalaro na sa isip ko…puro lungkot at bakit ang sinisigaw ng puso ko nung mga panahong yun,na hndi ko naman alam kung my sasagot pa nga ba ng mga tanong kung yun,na kung masasagot pa nya yun pag balik nya o hindi na talaga…

grabe ang bigat sa dibdib,matapos nung konting saya,eto pla magiging kapalit…i felt like im hanging in my own desperation and sorrow..longing for h*m…siguro masyado talaga akong nagfocus sa kanya,umikot yung mundo ko sa kanya lng nung mga panahong yun…palibhasa ang gulo nga ng mundo ko nun, nung dumating sya tsaka lng nag karon ng direction,kala ko tuloy sya na yung magiging kasama ko as i walk in the bright side of life…i consider h*m that time as my saviour,yung tipong magtuturo sakin how to straighten my life at kala sya na yung magbabawal at mag papakita sakin kung ano yung dapat na maging priorities ko in life…hay ang laki ng mga naging expectations ko sa kanya,kala ko iba na talaga sya sa iba…kala ko sya na talaga yung totoong taong nakaka appreciate sa kung SINO LANG AKO,kala ko may magic na…hehehe…hayyy hindi pa rin pala…ang sobra pa dun naging kasama pa sya sa lahat ng ginawa kong disisyon nung mga panahong yun,matapos kong bitawan lahat ng mga pangarap ng mga magulang ko sakin,pagkatapos kong mga dropped out sa mga subjs ko at mag decide na umuwi na lng sa aklan at dun ipag patuloy studies ko para lng mapalapit ako sa kanya…naging isa sya sa mga dahilan ko kung bakit gusto ko na ulet mag stay dun,na magtransfer na lng ako dun…isa sya sa mga reasons ko kung bakit kahit na ano pang malaking problema ang dumaan sakin nun eh wala lang dahil alam kong nan jan sya na after ng unos sa buhay ko magiging masya din ako dahil ang akala ko na jan lng sya…ang gago ko db dumipende ako dun sa tao na hindi naman dapat…napaka laki ko talagang gago…kala ko talaga sya na..sya yung taong mamahalin ko at mamahalin ako ng sobra…yung magiging buhay ko…yung magigng isang paa ko pag dumating yung oras na hindi na ako nakalakad sa bigat ng mga problema,yung makaksama ko sa hirap at saya…na sya na yung pinapangarap kong makasama at maalagaan…hayyy ang dami na sanang nabuong mga plano kung saka sakaling nabigyan man lang ako ng pagkakataon mahalin sya…waaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh….ang sakit!

ayun lumipas nnaman yung ilang linngo na hindi pa din sya nagpaparamdam…ako naman tamang hinahanap ang sarili kung ano na ang gagawin ko…kung ano na mangyayari sakin,na parang nasa isip ko kung wla lng din mangyayari samin,kung hindi rin lang kami magkakatuluyan…mas gugustuhin ko na lng lumayo na lng muli…balak ko na nung bumalik sa manila kung wala lang ding mangyayari…balak kung wag na lng ding magpakita at mag paramdam sa kanya kung yun lang din ang gusto nyang mangyare sa ngayon…hindi ko na din kaya yung tipong balewala kna…ang hirap…

pero one time nagparamdam syang muli…nagkakamustahan kami,pero parang nagiba na ang lahat…hindi ko na sya kilala sa mga msgs nya…nakakalungkot pero hindi na ako nagalakas ng loob na itanong pa sa kanya kung ano na mangyayare samin…basta ang mahalaga lang nung time na yun eh yung mabigyan ko sya ng moral support para sa nalalapit na exam nya…kabado din ako para sa kanya…basta ang gusto ko na lng nun is yung sana makapasa sya ng maging okei na ang lahat para sa kanya…

at ng natapos na finally yun exam nya…muli naghintay ako kung maalala nya ako,gaya ng sabi ny na "till the board exam" hinintay ko kung tutupad sya sa kung ano man yung mga salitang binitawan nya sakin mula nung mawala sya…naghintay..naghintay…pero wala eh,nakakalungkot man lumipas yung ilang araw na wala pa ring sya na nagpaparamdam at nakakaalala…hanggang sa nilakasan ko na lng yung loob ko at ako mismo yung nangamusta sa kanya…umaasa ako nun na magiging okei yung sagot nya sakin,na magiging excited sya ulit ka makatext ako dahil sa haba ng panahon na hindi kami nakapag usap,pero mali na namn yun akala ko…nag reply nga sya pero isang qoutation na lang ito (gusto pa sana ilagay dito pero wag na muna..) basta yung laman ng qoute na yun is about sa pagsisinungaling na ang pagkakaintindi ko lahat nung mga nangyari at mga sinabi nya ay lahat kasinungalingan lang lahat…hayyy ang sakit nun!!!simula ng natanggap ko yun,hindi ko lam kung ano na yung kasunod pa..parang nilulunod ako sa kalungkutan ng mga oras na yun…ewan basta natatandaan ko nun bigla na lng nag flash back lahat tapos napaiyak na lang ako…masakit,nakakalungkot na hindi ko malaman…hayyy hanggang sa kinabukasan nagising na lang ako na tapos na ang lahat…sabi ko sa sarili ko na wala na talaga…ianayos ko na lng lahat yung mag ginawa kong poem,sulat,mga drawings na patungkol sa lahat sa knya..balak ibigay sa kanya yun,dahil nag decide na din ako na bumalik na ng manila,after ng mga nangyare…balak kong ipabigay yung mga bagay na yun sa frend ko na frend nya din…

then lumipas na naman yung ilang araw na wala na talaga…sunday ng hapon nagsimba kame ng mga frends ko,dala ko na yung mga bagay na yun na iiwan ko na sa frend ko dahil kanabukasan agad balik na ako ng manila…naka set na yung mind ko nun eh na hindi ko na sya makikita or kahit makakausap..pero mapaglaro talaga ang tadhana…nagkita pa kaming dalawa sa simbahan…same time kame nagsimba…hayyy hindi ko lam kung ano mararamdaman ko nun nung nakita ko sya kahit sa malayo lng yoko na sana maaninag man lang sya…kaya lng nagkita na nga kame,hindi ko lam kung lam nyang nan dun ako oh hindi basta malakas ang kaba ko…sana talaga hindi ko na lng sya nakita…umasa tuloy ako that time na lalapitan nya ako…pero mali nnman ung akala ko walang sya na lumapit,instead nagmadali pa nga yata syang makaalis…hayyy ang sakit wala na nga talaga sya,wala na syang pakialam sakin at sa kung ano man yung nararamdaman ko…mula nun hinayaan ko na talaga mawala na ang lahat…masakit man pero kakayanin ko…sinama ko na dun sa mga bagay na binigay ko yung kung ano man yung nararamdaman ko para sa kanya…na makakalimutan ko na sya pag nasa malayo na ako…

(after one month ngayon ko lng ulet na update tong story kong toh…nag hintay talaga muna ako muna bago ko bigyan ng ending story na toh,hinintay ko din na after a month maaalala nya pa din ako,at kukumustahin nya ako…pero wala eh,after 3 months of being sober ang waiting after ng isang buwan ulet na wala pa din…too much na siguro,masyado na akong nasasaktan para mag hintay pa…para na lng syang sigarilyo ngayon,na habang sinusulat ko to sya namang hinihithit ko…hanggang sa maubos..actually isang stick na nga lang yung yosi ko ngayon eh sakto na maubos ngayon kasi ngayon ko na din tutuldukan to…ngayon na din magkakaron ng ending yung panaginip kong kasama sya…nakakalungkot man mahirap man pero eto na talaga yung kahahantungan ng lahat…ganito lng naman lagi yung ending para sakin eh…ganito isinulat ng diyos ang love life ko ang tadhana ko..heheh kaya tapusin na natin to…)

ayun nga after ilang days pa nya natanggap yung mga things na binigay ko…after na masettle na rin ako sa manila…gaya ng dati kahit sinabi ko pang iniwan ko na lahat at kakalimutan ko na sya,still umasa pa din ako na sasagot sya at magkakaron sya ng reaksyon about dun sa binigay ko,pero gaya ng dati wala na talaga syang paki,wala na syang ano mang reaksyon about dun…ang sakit ano???patunay lang talaga na kinalimutan na nya talaga ako…so ako naman na stage of acceptance na…unti-unti ko nang tinatanggap na wala na talaga,na wala na talaga sya sa buhay ko…mahirap masakit pero wala naman akong magawa…

hanggang sa wala na,i continue my life as if wala na sya…hindi ko na din sya binabalak na itext or what so ever…pero ang kulet sya naman tong bigla na lang nagparamdam sending some qoutations na as if related saming dalawa sa sitwasyon namin dalawa,kaya eto na naman ako si gago,tumaas na naman yung level ng asa factor ko…umaasa na baka madala pa sa mga msgs na ganun…hayyy pero wala eh ako lng ung mas nasasaktan pag nakakatanggap ako ng msg qoutes na galing sa kanya…masakit sa bawat padala nya ng mga msg na gnun…hayyy nag daan na nnman yung mga sleepless nyts ko kakaisip ko sa kanya…kakaisip kung anong ibig sabihin ng mga qoutes na yun bkit kailangan pa nyang magpadala at magparamdam ng ganun,knowing that im trying t0 move on that time…ang sakit hanggang sa tinanong ko sya kung bkit pa nya kailangan mgsend ng mga ganun kung anong meaning ng mga qoutations na yun…and still walang sagot hindi pa rin nya ako magawang kausapin or sagutin man lang yung mga tanong ko…

hayy wala na talaga dumating na yung mga gabi na hindi ko na sya maalala kahit gano ko pa sya minahal…unti-unti na nawawala sa isip ko yung mga alaala nya…ayoko ko man mawala pero yun na siguro yung dapat…

ang hirap hindi ko talaga alam kung pano tapusin to…

i guess goodbye is enough to finish all my fantacies for h*m…

goodbye is the ending of it all…

goodbye and thank you,

you made my life worth living for…

you are my sweetest downfaLL…

*wink


BAD NEWS


WALA NA YATA MAS BABAD NEWS SA WEEK KONG TO.
HEHEHE EWAN KO BA SIGURO NUNG NAGSABOG NG MALAS SI GOD NASALO KO LAHAT.

AFTER MAWALA NG MGA BAGAY NA IMPORTANTE SAKIN, NGAYON MUKANG MY SUSUNOD PANG MAWAWALA...MADAMI PANG MAWAWALA...
MAHIRAP PALA NO MASAKIT...NGAYON UNTI-UNTI NANG BINABAWI SAKIN NG DIYOS,

SIGURO LESSON NA DN PARA SAKIN,NAMUHAY KASI AKO NG BONGGANG-BONGGA NUNG ESTUDYANTE AKO,
NGAYON KAYA KO NA MAGTIIS KUNG ANO LANG MERON..

HAYY PURO BAD NEWS

SIMULA SA WORK KO NA HANGGANG NGAYON WALA PA RING IMPROVEMENT,AT NAGDEDELEKADO PANG MAWALA

HANGGANG SA KAMALASAN KO DAHIL GIPIT SA PERA

DITO SA LAPTOP KO NA KINUKUHA NG LOLA KO...HAYY HINDI KO TALAGA ALAM AT MAINTINDIHAN KUNG BAKIT NGAYON PILIT NYANG BINABAWI TONG BAGAY NA TO,
NA SABI NYA REGALO AT KUSANG BIGAY NYA SAKIN...ANG SAKIT PAG IISIPIN MO DAHIL MISMO PANG YUNG KAMAGANAK MO YUNG NAGGIGIPIT SA YO...
BABAWIIN YUNG SABING BIGAY,ANG HIRAP TULOY SAKIN I LET GO ITONG BAGAY NA TO NA NAGING PARTE NA NG BUHAY KO...ALAM KO MALI AKO SA MGA
DESISYON KO NGAYON NA HINDI MUNA I PURSUE YUNG PAG NURSING KO,PERO HINDI NAMAN SIGURO TAMA NA MAGBAWI NG MGA BAGAY PARA LANG PARUSAHAN AKO.
ANG SAKIT SOBRA..LALO NA'T NAPAMAHAL NA SAKN TONG BAGAY NA TO...KAYA LANG WALA TALAGA AKONG MAGAGAWA EH,SA KANYA GALING TO,PERA NYA ANG PINANGBILI NITO
KAYA WALA AKONG MAGAWA KUNDI TANGGAPIN NA LANG...HAYYY

AT NGAYON ANG PINAKA BAD NEWS ANG LOLO KO NASA OSPITAL NGAYON MGA PANAHONG TO...TO MAKE IT WORST 50/50 DAW SYA SABI NG MAMA KO...
HAYY BIGLA NA LANG AKO NAPAIYAK NUNG NABASA KO YUNG TEXT MESSAGE NG MAMA KO...NI WALA MAN LANG AKO DUN...
TAGAL KO NA DIN HINDI NA KAKASAMA YUNG LOLO KO NA YUN...SANA MAKAYANAN NYA PA...GOD PLEASE HELP...

KUNG SA BAD NEWS LANG DIN NAMAN PARANG AKO NA TALAGA YUNG HARI NG MALAS...
ANG HIRAP PALA YUNG GANITONG KALAGAYAN,NA PARANG LAHAT NA LANG NG PUMAPASOK NA BALITA AT DUMADATING EH PURO HINDI MAGANDA...LINTIK ANO!


MAS DUMADAGDAG PA SA HIRAP NG NARARAMDAMAN KO NGAYON,SA HIRAP NG PINAGDADAANAN KO NGAYON...
KAYA SANA MAKAYANAN KO PA LAHAT NG TO MAG ISA,SANA BIGYAN PA AKO NG LAKAS NG DIYOS PARA HARAPIN LAHAT
ALAM KO NAMANG HINDI NYA TO IBINIGAY SAKIN NG HINDI KO KAKAYANIN EH...I KNOW I HAVE MY FAITH IN HIM...

MAIIYAK LANG ako NG KONTI PERO AFTER NUN,MAGIGING OK NA LAHAT...

HAY BUHAY

Wednesday, February 11, 2009

VDAY

Vday na naman...Im sure Im gonna be spending Heart's Day with my friends...ganun naman lagi eh...minsan nangarap ako na magkaron ng someone sa okasyon ito pero hindi na kami umabot sa finale..hehehe too bad parang yan yung heart ko sa drawing ko na yan parang sinusunog na sa impyerno na gustong kumawala dahil sa dami ng mga tanong...hay to be honest Im really not that affected kung wala ako someone sa Valentine...Ok lang naman talaga eh...Its not that big deal anyways...Im use to it... well i know naman i have my Friends and Family with me...and i know they Love me...

Happy Heart sa inyo...



MY ART WORK






>>>> some of my art work...hehehe ngayon ko lang naupload dito...sabi ng iba weird daw mga drawings ko...heheh ewan ko since natuto ako mainlove at mabigo yan na lumalabas sa mga kamay ko, galing sa nararamdaman ko...ewan ko lang ha...basta pag naramdaman ko yun na yung naiddrawing ko...basically puro bitterness, pain, confusions, sorrow, and sadness...basta lahat na yata ng negative features makikita na sa mga art work ko...bihira na lang ako makapag drawing ng masaya at colorful..hehehe siguro base na sa mga pinagdadaanan ko ngayon sa buhay ko...ayun...but still i want to change my porte gusto ko madevelop pa yung talent ko sa pagddraw and i want my art to be my source of living some how....gusto ko din mag karoon ng ARt GAllery someday...sana matupad pa yung mga pangarap ko na yun...*wink

Tuesday, February 10, 2009

REPOST

"That SomeOne" (i hate it, but its true)

Jonas_2 why do i have to face the real me?

the face of rejection, being shameful of what is in me…

facing the world of doubts and confusion

having a hard time to find someone i really wanted to,

being in the midst of liking That SomeOne, but knowing the fact, That SomeOne won’t like me too..

thinking of shameful thoughts that is dropping me down, down to the true world where my place for That SomeOne is…

loosing my self-esteem and admitting to myself that im in the common ground

in the lower part of my emotions, the part where i’am being hurt

hurt in facing the truth, the truth of reality

the reality of someone you like is not for you, and it will never be for you

That SomeOne i’ve longing for, but also That SomeOne who will look down at me in the true feelings that i feel

a feeling that someday i will be with That SomeOne i wish to be…

but then i will realize how painful it is..

the pain that will let me understand how far our distance is…

a distance that binds only for the true meaning of friendship

a genuine friendship, That SomeOne can give.

knowing that there’s a feeling in me, not just for friends but more than the least i expect…

so here i’am now after the joy of knowing That SomeOne

with a happiness that i’ve shared with the feelings of rejection

that i know, That SomeOne will never be a part of me…

i hate it, but its true.



---wala lang gusto ko lang ipost to ulet gusto ko lang maramdaman ulet ung feeling na magkagusto sa taong gusto mo...hehehe tapos walang way para maging kayo...wala dahil ang totoo talaga ayaw naman talaga sau nung taong gusto mo...hehehe ang kulet...anyways si jonas ung nasa pic,para sa kanya din yung poem na yan...he's in Seattle now...i miss him...heheh i know he's happy with his life now...and im happy for him...hope to see him again....*wink

Saturday, February 7, 2009

10:06:08

papasok ako sa work kahapon,habang nasa fx ako napatingin ako sa cellfone ko,nakita ko yung date Feb 06, 2009 na pla...grabe ang bilis ng panahon,hindi ko na nawalayan mag iisang buwan na pala...isang buwan na pla akong single...hehehe

kaya napaisip tuloy ako,papunta tulo ako sa memory lane.

... 6 nga pala,4 months na sana namin ni a***** sayang hindi na kame umabot, kala ko pa naman tatagal kame...kala ko sya na yung taong matagal kong hinintay...hayyy

pero ok na rin naman ako ngayon eh...akala ko lang pala talaga lahat,at nag kamali ako sa inakala ko...akala ko din hindi ko kakayanin na wala sya sa buhay ko,kasi for the past 3 months na nakasama ko sya...nabuo yung mundo ko,nabuhay ako ng para saming dalawa lang...na sya yung una sakin sa lahat ng bagay...kaya akala ko nung nawala hindi ko kakayanin...

pero iba na ngayon...as time goes by matututunan mo din pala lahat ng bagay...matututunan mong lumaban at maging matibay ...

at some point i myself realize that its not the end of all, but its a new start of a much better things for me, so i just need to end up things from the past. and take a step forward to continue my life outside the ring of his memories and just embrace the fact that his now a part of history in your life...

hayyy nakakainis lang pag minsan naalala ko sya...nakakapang hinayang na parang ang sarap balikan lahat...na minsan gusto ko ng maging tanga at pilitin syang ibalik namin yung dati...pero syempre yoko na din saktan yung sarili ko,sobra na yung mga napagdaanan ko sa kanya...kaya tama na lng siguro yung maalala ko na lng sya...ngayon hindi ko pa masabi if ano na ba talaga yung nararamdaman ko,basta until now magulo pa din,nasasaktan lang ako...

hayy aun... but life goes on.

...nga pala 10:06:08 kame naging official and ended hindi ko alam hehehe wala pa kame closure,pero almost 1 month na kame hindi naguusap..and sirugo masya na sya ngayon and so do i...

Tuesday, February 3, 2009

"Mahal mo pa ba sya?..."

dada: Lu mahal mo pa ba sya?..."

katanungan na hindi ko agad nasagot...
napaisip pa ako...kung tama nga ba mahal ko pa nga ba talaga sya sa mga panahon ngayon...

sa mga napagdaanan ko this past few weeks,hindi ko na naramdaman pa yung sinasabing pag mamahal...lalo na sa kanya...sa taong akala ko na makakasama ko sa saya lalo na sa hirap...

maraming magagandang memories na masarap balikan na masarap ipag patuloy sana...
kaya lang hindi ko alam nagkaron na lang din ng tuldok ang lahat samin...

ngayon unti-unti na ng nawawala yung pagkasabik at pangungulila ko sa kanya,nahaluan na ng puot at galit dahil sa mga nangyari na din samin...

maraming tanong na naiwan na hindi na talaga nabigyan ng kasagutan...
nawala na lang bigla lahat...kung gano kabilis yung pag dating nya sa buhay ko,ganun din kabilis nawala yung kung anong nasimulan namin...

ang labo ang gulo...pero ganun pa din wala pa din ako magawa...

basta ngayon hindi ang alam ko pinipilit ko tumayo sarili ko,ipagpatuloy ang buhay ng wala sya...maging maligaya sa kabila ng pagkawala nya...

buti na lang may mga tao pang nan jan sakin, tulad nga ga kaibigan ko...
mas nararamdaman mo yung tunay na pagmamahal sa mga kaibigan...

kaya sa inyo salamat dahil na jan kayo nung mga panahong nasa dilim ako...
kayo ang nag pakita ng liwanag sakin...salamat sa inyo sa mga kapatid kos a dorm,peegee at sa kinla...lam nyo na kung sino kayo...

ngayon ito na buhay ko...pilit na lumalaban sa hirap ng buhay...
pilit hinahanap ang sarili at ang tunay na kahulugan ng ligaya.

...